Maluwag na tinanggap ni Australian Prime Minister Scott Morrison ang kanyang pagkatalo sa nakalipas na National elections.
Pahayag ni Morrison, agad siyang nakipag-usap kay opposition leader at incoming Prime Minister Anthony Albanese upang batiin ito sa kanyang pagkapanalo sa nagdaang halalan.
Ayon sa 54-year-old outgoing Australian leader, mahalagang igalang ang pasya ng mga botante upang magkaroon ng paghilom at masigurong magtutuloy-tuloy na ang pagsulong ng kanilang ekonomiya.
Puno naman ng emosyon na pinasalamatan ni Morrison ang kanyang may-bahay na si Jennifer at mga anak na babae.
Umaasa naman ito na makalipas ang tatlong taon, muling magbabalik ang Coalition Government sa kanilang bansa.