Naglabas na rin ng travel warning ang Australian Embassy sa Maynila dahil sa tangkang kidnapping sa Central Visayas.
Sa inilabas na bulletin ng Australian Embassy, pinapayuhan ang mga Australian citizen na narito sa Pilipinas o mga nagbabalak na bumisita sa bansa na maging mapagmatyag at suriing mabuti ang kanilang personal security plans.
Dapat anilang i-reconsider ang pagbiyahe sa eastern Mindanao, habang pinagbawalan naman nila ang mga Australian national sa pagpunta sa central at western Mindanao dahil sa matinding banta ng terorismo, karahasan at kidnapping.
Una nang naglabas ng travel advisory ang embahada ng Estados Unidos sa Central Visayas, kabilang na ang Cebu at Bohol.
By Meann Tanbio