Mag-aabot ng tulong pinansiyal ang gobyerno ng Australia para tulungan ang mga naging biktima ng bagyong Nona noong Disyembre.
Ayon kay Australian Foreign Minister Julie Bishop, kabuuang P17.5 million na halaga ng mga agarang tulong ang ipapadala ng kanilang gobyerno para sa muling pagbangon ng mga biktimang nawalan ng hanapbuhay at mga tahanan.
Kabilang dito ang mga tarpaulins, banig, kumot, kulambo, hygiene kits at sexual and reproductive health kits para sa mga kababaihan.
Ayon kay Australian Ambassador to the Philippines bill Tweddell, nakita ng kanyang gobyerno ang malungkot na mukha ng mga pamilyang nakaranas ng kahirapan lalo na noong Pasko at bagong taon.
By: Aileen Taliping (patrol 23)