Mas gusto ng mga Australian Investor ang Pilipinas para sa kanilang business process outsourcing o BPO destination.
Ito, ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ay batay sa ginawang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies na pinaboran ng researcher na si Peter Ross at ang negosyanteng si Mike O’ Hagan.
Ginawang batayan ang geographical time zone sa Pilipinas ang mataas na literate workforce at ang competitive labor rates kaya’t mas pabor ang mga Australian investor na mamuhunan sa bansa.
Bukod sa mga Australyanong negosyante, interesado rin ang 5 Chinese investor na maglagak ng puhunan sa bansa partikular ang Aviation Industry Corporation of China at International Aero-Development Corporation na inaasahang magbibigay ng mahigit 15,000 trabaho sa mga Pilipino.
By Drew Nacino |With Report from Aileen Taliping