Hinatulan ng Cagayan de Oro Regional Trial Court Branch 37 ng 129 na taong pagkakakulong ang isang Australian sa kasong sexual abuse sa mga menor de edad.
Kinilala ang dayuhang si Peter Gerard Scully, 59 anyos, na kasalukuyang nagsisilbi ng life sentence para sa kasong rape at human trafficking.
Ang naturang sentensya ay ipinataw Cagayan de Oro Court kay Scully at sa tatlo pang akusado na naghain ng plea bargaining agreement.
60 kaso ang kinakaharap ng akusado gaya ng qualified trafficking in persons, syndicated child pornography, child abuse at rape na isinampa ng pito nitong biktima, kabilang ang isang dalawang taong gulang na babae.
Bukod kay Scully, sinentensyahan din ng 126 na taong pagkakakulong ang kasintahan nitong si Lovely Margallo; habang siyam na taon para sa mga kapwa akusadong sina Alexander Lao at Maria Dorothea Chia. – sa panulat ni Hannah Oledan