Tiniyak ni Australian Prime Minister Malcolm Turnbull na kaisa ng Pilipinas ang Australia sa pagsugpo laban sa mga teroristang grupo tulad ng ISIS o Islamic State of Iraq and Syria.
Ito ang inihayag ni Turnball matapos dumalo sa anti-terrorism capability demonstration drill sa pagitan ng tropa ng Pilipinas at Australia; at makipagpulong kina Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero.
Ayon kay Turnball, hindi kakayanin ng Pilipinas maging ng Southeast Asia ang talunin ang anumang teroristang grupo na may lakas tulad ng ISIS.
Bababala pa ng Australian Prime Minister, habang maaga ay dapat na mapigilan ang pagtatayo ng kuta ng ISIS sa Pilipinas at iba pang bansa sa rehiyon dahil matinding epekto na maidududlot ng nasabing grupo tulad sa Iraq at Syria.
Nangako din si Turnball na patuloy na makikipagtulungan at susuportahan ng Australian Defense Force sa Armed Forces of the Philippines sa laban kontra sa mga teroristang grupo.
SMW: RPE