Nanindigan si Australian Prime Minister Tony Abbott na mananatiling kontra sa same sex marriage ang kanyang administrasyon sa kabila ng lumalakas na panawagan para dito.
Sinabi ni Abbott na hindi nila susuportahan ang panukala sa panahong ito, subalit maaari itong muling isalang sa botohan sa ilalim ng susunod na parliamentarya.
Bagamat pinapayagan ang civil union ng same sex couples sa Australia, hindi naman ito tinatratong kasal sa ilalim ng batas ng Australia.
By Katrina Valle