Pansamantalang ikinulong sa Malaysia ang isang reporter mula Australia kasama ang camera man nito makaraang magtanong kay Malaysian Prime Minister Najib Razak.
Nilapitan umano nina Linton Besser at Louie Eroglu ang Prime Minister noong Sabado upang tanungin ito tungkol sa mga alegasyon ng korapsyon.
Itinanggi ni Prime Minister Najib Razak ang naturang akusasyon subalit ikinulong ang dalawang alagad ng media pagkatapos ng kanilang pagtatanong.
Kaagad naman umanong pinalaya ang dalawa nang walang kaso.
Gayunpaman, ikinaalarma iyon ng Australia, partikular na sa hinggil usapin ng malayang pamamahayag.
Sinabi ni Australian Foreign Affairs Julie Bishop, pag-uusapan nila ng mga awtoridad ng Malaysia ang nasabing insidente.
By Avee Devierte