Nakatakdang dumating sa bansa ang sikat na Australian rock band na 5 Seconds of Summer (5SOS) ngayong araw.
Ito ay para sa ‘sold out’ concert ng grupo bukas, March 12, na gaganapin sa Mall of Asia (MOA) Arena.
Darating ang grupo sakay ng Philippine Airlines Flight PR-319 galing ng Hong Kong ganap na alas-3:35 ng hapon sa NAIA Terminal 2.
Nakalatag na ang airport assistance at security dahil inaasahan na ang pagdagsa ng mga kabataang fans para salubungin ang isa sa pinakasikat na ‘young rock band’ ngayon.
Ang grupo ay kinabibilangan nina Luke Hemmings, Ashton Irwin, Calum Hood at Michael Clifford.
Ilan sa mga sikat na kanta ng 5SOS ay ang She Looks Perfect, Hey Everybody at Heartbreak Girl na nakakuha na ng milyun-milyong views sa Youtube.
Details from: Raoul Esperas (Patrol 45)