Nasungkit ni Australian swimmer Bronte Campbell ang kampeonato sa 100-meter Women’s World Freestyle na ginanap sa Russia.
Nagtapos si Campbell sa 52.52 seconds para makuha ang titulo.
Hindi naman makapaniwala si Campbell dahil sa matindi ang kanyang kalaban na si Sarah Sjostrom ng Sweden na pumangalawa lamang sa kanya.
Si Bronte ay kapatid ni Cate Campbell na kapwa nanalo rin sa 4 by 100 meter freestyle relay team noong nakaraang linggo.