Nahaharap sa kasong may kinalaman sa terorismo ang isang 17 taong gulang na lalaki sa Australia.
Ito ay matapos maalerto ang awtoridad sa dami ng social media post ng naturang bata.
Kinasuhan ang teenager ng one count of acts in preparation or planning for a terrorist act at ng paggamit sa isang telecommunications network sa intensyon nitong terrorist act.
Hindi pinayagang magpiyansa ang bata at ito ay nakatakdang humarap sa children’s court.
By Katrina Valle
Photo Credit: AFP