Muling itinanghal bilang Coach of the Year ng PBA Press Corps ang mentor ng San Miguel Beermen na si Leo Austria.
Sinasabing ang awards night ay itinakda sana noon pang Marso 16 sa Novotel Manila sa Araneta Center pero na-postpone ito dahil sa coronavirus pandemic.
Dahil dito, hindi pa alam kung kailan makukuha ni Austria ang Virgilio “Baby” Dalupan trophy para sa naturang parangal.
Ito na ang ika-apat na Coach of the Year award ni Austria sa loob ng limang taon.