Isinusulong ng isang Kongresista ang panukalang pagkikilala sa may-ari ng social media account sa pamamagitan ng paghingi ng valid identification card.
Sa House Bill 123 na inihain ni Negros Oriental Representative Arnolfo Teves, nilalayon niyang tugunan ang cyber bullying, harassment, online scam, libel at bentahan ng iligal na droga na idinaraan sa social media.
Sa oras na maisabatas, kailangan nang magsumite ng ID ang may-ari ng social media account.
Naging basehan ng panukala ang lumabas sa survey ng Stairway Foundation, incorporated noong 2015 na mayorya ng kabataang edad 7 hanggang 16 ay nabibiktima ng bullying sa social media o may kilalang nabiktima na nito.