Pinasisiguro ni Senator Pia Cayetano kung may sapat na pondo ba sakaling maaprubahan ang panukalang batas na dagdag teaching supplies allowance sa mga guro sa pampublikong paaralan.
Ayon kay Cayetano, isa ito sa mga dapat tiyakin upang hindi umasa sa wala ang mga guro.
Paliwanag ng senadora ang dagdag allowance kasi ay nangangahulugan din ng mas malaking pondo sa ilalim ng taunang general appropriations act.
Gayong sa ilalim ng naturang Senate Bill no. 1964, o ‘Kabalikat sa Pagtuturo Act’ mula sa dating limang libong pisong allowance isinusulong na maging sampung libong piso ito.