Inirekomenda ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte kay New PHILHEALTH President at CEO Emmanuel Ledesma ang paggamit ng Information and Communications Technology (ICT) upang mapalawig pa ang access sa serbisyo ng state health insurer.
Aniya, malaking tulong ang paggamit nito para maipaabot ang serbisyong pangkalusugan at maagapan ang sakit lalo na iyong mga residente na liblib at malalayong lugar na kulang sa atensyong medikal.
Bukod pa rito iminungkahi rin ng mambabatas ang paggamit ng online platforms para sa pagbabayad ng philhealth premiums at pagpapalawak pa ng ekonsulta system ng PHILHEALTH.