Umabot sa 11.3% o 2.9M pamilya ang bilang ng mga pilipinong nagsasabing nakaranas sila ng hindi sinasadyang kagutuman ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS)
Kung saan batay sa tala ngayong quarter 9.1 % o katumbas ng 2.3M pamilya ay nakaranas naman ng moderate hunger at 2.2 % o katumbas ng 573,000 pamilya ay nakaranas ng labis na pagkagutom
Base sa datos ito’y 1.6% o tinatayang 2.9M pamilya na nagutom noong hunyo 2022, at mas mababa nang bahagya sa 12.2% o 3.1 milyong pamilya noong abril 2022.
Gayonman mas mataas pa rin ito ng 1.3 points sa 10% noong setyembre nang nakaraang taon at 2.0 points na mas mataas sa pre-pandemic annual average na 9.3% noong 2019.