Bumuo ng Inter-Agency Council para sa Pasig River urban development ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa rehabilitasyon ng Pasig River.
Batay sa Executive Order (EO) no. 35, ito ang titiyak sa rehabilitasyon ng riverbanks, sa kahabaan ng Pasig River water system at mga kalapit na water systems.
Pati na rin ang pagbuo ng Pasig river urban development plan at magpatupad ng coordinated at integrated rehabilitation ng Pasig riverbanks system at mga kalapit na water systems.
Kung saan ito ay pamumunuan ng secretary of the Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Habang magsisilbing Vice-Chair naman ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman, na mayroong 13 kasaping ahensya ng gobyerno.
Kabilang na dito ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Tourism (DOT) at Department of Transportation (DOTr).
Gayundin ang Department of Finance (DOF), Department of Budget and Management (DBM), National Historical Commission of the Philippines (NHCP) at iba pa.