Pumalo na sa 960 ang bilang nang inilikas sa Region 2 ayon kay National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Asec. Raffy Alejandro dahil sa bagyong Neneng
Ito’y matapos maglandfall ang naturang bagyo at itaas sa Signal no. 3 ang ilang bahagi ng Batanes at Babuyan Islands kaninang umaga.
Habang sa ngayon ay wala pa naman aniyang inaanunsyong suspensyon ng klase sa mga lugar na apektado ng bagyo ngunit kung hanggang mamayang gabi o bukas aniya’y mayroon pa ring tropical cyclone wind signal na nakataas automatic nang suspendido ang klase hanggang grade school o elementary.