Umakyat na sa P304,245,310 ang pinsalang naidulot ng bagyong Karding sa imprasktraktura ayon sa pinakabagong tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Kung saan 43 sa mga imprastrukturang nasira ng bagyo ay mula sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Mimaropa, Bicol Region, at Cordillera Administrative Region (CAR).
Habang 27 mula sa mga imprastrukturang ito ay mula sa Cagayan Valley na nagkakahalaga ng P280,297,910.
Bukod pa rito nakapagtala rin ang NDRRMC ng 58,172 na kabahayang naapektuhan ng hagupit ng bagyo
Kung saan 52,802 kabahayan ang mula sa Central Luzon, 5,099 sa Calabarzon, 262 sa Ilocos Region, lima sa CAR, at apat sa Cagayan Valley.
Sa mga apektadong bahay na ito, 51,022 ang bahagyang nasira, at 7,150 ang lubhang nasira ng bagyo.