Binigyang-diin ni SM Foundation Incorporated o SMFI Executive Director for Health and Medical Programs Ms. Connie Angeles na bukod sa medical mission ng SMFI ay nagsasagawa rin ang foundation ng outreach, livelihood at scholarship programs.
Hindi lamang health services ang ibinibigay doon, kapag nag-alaga kami ng komunidad kinakailanga mayroon d’yan eskuwelahan…at may mga scholarship program na ibinibigay d’yan. May mga livelihood din sa pamamagitan ng aming outreach programs tapos meron tayong farmers training program du’n sa komunidad na ‘yun at ito ngang health services na ito. So lahat ‘yan ay inaalagaan…so ‘yun ‘yung mga determining factors kung saan kami nagsasagawa ng medical mission, kung saan ‘yung mga komunidad na meron kaming mga businesses ‘yun ang aming pinalalakas ang kanilang mga kalusugan, ang kanilang mga kaisipan at ang kanilang mga pangangailangan
Habang ayon naman kay SMFI Physician Dra. Bless Bertos, lagi itong nakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para sa maayos na koordinasyon at daloy ng mga isinasagawa nitong programa
We coordinate with the city health, we coordinated with the DSWD, with the LGU…para pag-execute naming perfect nadoon lahat.
Iyan ang magkasunod na pahayag nina SMFI Executive Director for Health and Medical Programs Ms. Connie Angeles at SMFI Physician Dra. Bless Bertos sa panayam ng DWIZ