Matatapos na ang paglilinis sa listahan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ayon kay DSWD secretary Erwin Tulfo.
Aniya nasa tatlo hanggang limang linggo na lamang ay tapos na ang pag-alis sa mga libo-libong pangalan ng mga hindi kwalipikadong benepisyaryo.
Ito’y upang matiyak aniya na tanging mga karapat-dapat na mga benepisyaro lamang ang makatatanggap ng naturang ayuda.
Matatandang, nauna nang iniulat ng World Bank na 60% lamang ng mga benepisyaryo ng 4Ps noong 2020 ang kabilang sa pinakamahirap o mga kwalipikadong makatanggap mula sa cash subsidy program.