Binigyang linaw ng World Health Organization (WHO) na hindi pa maituturing na isang global health emergency ang monkeypox.
Ito’y sa kabila ng naunang pahayag ng pagkabahala ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus sa monkeypox outbreak.
Nabatid na batay sa ulat ng WHO nasa higit sa 3,200 na ang kumpirmadong kaso ng monkeypox habang isa na ang naiulat na nasawi dulot ng virus sa huling anim na linggo mula sa 48 bansa kung saan hindi ito karaniwang kumakalat.