Mahilig ba kayong kumain ng mushroom o kabute na sahog sa mga ulam o di kaya’y isa sa sahog sa palaman sa burger?
Alam niyo ba na ang kabute ay kinikilala bilang mahalagang bahagi diet?
Ito’y mayaman sa bitamina, mineral, at antioxidant na nagpapalakas sa kalusugan, isa rin itong magandang source ng vitamin d na mahalaga para sa ating buto at immune system.
Mayaman din ito sa potassium at nakakapagpababa ng blood pressure.
Ayon pa sa pag-aaral ang pagkain din ng kabute ay nakapagpapababa ng posibilidad na magkaroon ng malubhang kondisyon sa kalusugan, tulad ng alzheimer, sakit sa puso, kanser, at diabetes.
Pero teka paalala lamang hindi lahat ng uri ng kabute ay maaaring kainin.