Posible pang madagdagan ang matutukoy na mga wanted sa kani-kanilang bansa na mga dayuhang na nasagip mula sa ni-raid na POGO hub sa Las Piñas City kamakailan.
Ayon kay PNP PIO Chief PBGEN Red Maranan, ito ay dahil sa patuloy pa rin ang isinasagawang profiling sa mga nasagip na POGO workers bukod pa sa unang 700 na puganteng natuklasan ng otoridad.
Kabilang na rito ang apat na Chinese nationals at tatlong Taiwanese na wanted sa kanilang bansa dahil sa kasong fraud, drug trafficking, human trafficking at scams.
Nabatid na halos 3K mga POGO workers ang nasagip ng otoridad sa nasabing ikinasang raid noong nakalipas na Linggo.