Muling binuhay ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang commitment nito sa pagpapatupad ng comprehensive agreement on the Bangsamoro tungo sa kapayapaan sa Bangsamoro region.
Kung saan napagkasunduan nina Government of the Philippines Peace Implementing Panel Chair Cesar Yano at MILF Peace Implementing Panel Chair Mohagher Iqbal na pag-aralang mabuti ang panukalang AFP redeployment parameters and areas for the joint security assessment at transition plan for the Joint Peace and Security Teams (JPSTS).
Gayundin ang integrated framework nito para sa implementasyon ng camps transformation program sa 33 mga barangay ng anim na kinilalang kampo ng MILF.
Bukod pa rito ang planong pagbuo ng socioeconomic study committee at ang mas maigting na implementasyon sa peace agreement.