Isinusulong ngayon sa mababang kapulungan ng kongreso ang panukalang mag-aamyenda sa Republic Act 10066, o The National Cultural Heritage Act of 2009 o ang House Bill 8422.
Layunin ng naturang panukalang batas na mapangalagaan ang mga National Historical Landmarks sa bansa o iyong mga makasaysayang mga lugar, gusali , istraktura at monumento na nakarehistro sa Philippine Registry of Cultural Property.
Kung saan sa pamamagitan ng retrofitting, titiyakin ang tibay ng mga heritage buildings nang hindi babaguhin ang dati nitong disenyo at anyo.
Kasunod ito ng insidente kamaikalan kung saan nasunog ang makasaysayang Central Post Office building sa Maynila.