Tumaas pa ang presyo ng bulaklak sa Dangwa, mahigit isang linggo bago ang pagdiriwang ng Valentine’s Day o Araw ng mga Puso.
Mula sa dating 500 pesos na presyo ng isang dosenang rosas, umaabot na ito ngayon sa halagang 1, 200 pesos.
Nasa 300 pesos naman ang 10 tangkay ng carnation mula sa dating 180 pesos.
Samantala, asahan pa ang pagtaas ng presyo ng iba’t ibang bulaklak habang papalapit ang Valentine’s Day.