Naka-alerto na ang mga pribadong ospital sa buong bansa para sa pagtanggap ng mga pasenyenteng masusugatan dahil sa paputok habang papalapit ang pagdiriwang ng bagong taon.
Ayon kay Private Hospitals Association of the Philippines Incorporated (PHAPI) President Dr. Jose Rene De Grano, inaasahan nilang tataas ang bilang ng mga maitatalang sugatan na may kaugnayan sa pagpapaputok dahil sa mas maluwag na COVID-19 restrictions.
Giit niya, laging nakahanda at naka-antabay ang mga pribadong ospital sa mga firecracker injuries dahil delikado ito kung hindi agad na malalapatan ng lunas.
Nabatid na nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 20 kaso ng fireworks-related injury mula Disyembre 21 hanggang ngayong araw.