Pumalo na 70- M ang bilang ng mga pilipinong nasa employable age bracket.
Sa datos ng Commission on Population and Development (POPCOM), higit sa kalahati ng kabuuang populasyon ng Pilipinas ang nasa working-age bracket na 15 hanggang 64 na taong gulang.
Malaking pagkakataon anila ito upang mapasigla ang ekonomiya ng bansa.
Magugunitang iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Nobyembre na umabot na sa 95% ang employment rate ng bansa. -sa ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13).