Ang brown rice o kilala bilang “unpolished rice”ay isang white rice na hindi dumaan sa polishing at hindi tinanggalan ng bran at germ layer.
Alam niyo ba na ang bran at germ layers ng bigas ay siksik sa nutrients at minerals na nakakabuti sa ating kalusugan?
Ang brown rice ay may taglay na vitamin B, vitamin H, tocopherol, isang natural antioxidant, fiber at biologically active enzymes.
nakakatulong ang pagkain ng brown rice para mapataas ang sirkulasyon ng dugo, mapapababa ang kolesterol at maiwasan ang pagkakaroon ng stroke at heart disease.
Naaangkop ring kainin ng mga diabetic ang brown rice para mapanatili ang tamang antas ng glucose.