Gumagawa na ng hakbang ang Land Transportation Office (LTO) laban sa mga fixer sa iba’t ibang tanggapan ng ahensya sa bansa.
Ayon kay LTO chief Jay Art Tugade, layunin nito na isulong ang pagiging bukas at mabago ang pananaw ng publiko sa organisasyon.
Sa isang memorandum, inatasan ni Tugade ang lahat ng Regional Directors na ipagbawal ang pagpapasok, pag-iikot-ikot at paghihintay ng mga fixers sa LTO offices.
Pinatitiyak din nito ang striktong pagsunod sa mga proseso at kinakailangan sa ilalim ng Citizen’s Charter upang masiguro na matanggal ang fixers at red tape.
Samantala, nagbabala si Tugade sa mga LTO personnel na nakikipag-sabwatan sa mga fixer at lumabag sa Republic Act 11032 na maaari silang sampahan ng kinauukulang kaso.