Nakatakdang ilibing ng Bureau of Corrections ang ilan sa mga labi ng inmates na namatay sa loob ng Bilibid Prison.
Ayon kay BuCor Chief Gregorio Catapang, ililibing nila ito sa Biyernes, Nobyembre 25 at iimbitahan nila ang mga pamilya nito.
Nabatid na ang hakbang ay matapos manawagan ang Catholic Bishop’s Conference of the Philippines para sa maayos na libing ng mga Bilibid inmates.
Samantala, sinabi ng Department of Justice na ang mga hindi pa nakukuhang labi na kabilang sa isasailalm sa autopsy ay mananatili hanggang hindi pa natatapos ang pagsusuri rito.
Nabatid na ang imbestigasyon sa pagpaslang sa broadcaster na si Percival Mabasa ang naging paraan upang madiskubre ang mga labi ng inmates sa Eastern Funeral Services sa Muntinlupa.