Opisyal nang tinanggal ng Jose Rizal University (JRU) si John Amores sa Heavy Bomber team mula sa indefinite suspension nito.
Ayon sa unibersidad, hindi na rin magiging bahagi si Amores ng iba pang sports program ng JRU.
Isasailalim din anila ang manlalaro sa counseling upang malampasan ang mga pangyayari.
Matatandaang humingi ng paumanhin ang JRU kaugnay sa insidente na naganap noong November 8 sa laban nito sa De La Salle-College of Saint Benilde kung saan sinapak ni Amores ang ilang manlalaro nito.