Posibleng maharap sa disciplinary sanctions ang 10 flight crew members ng Philippine Airlines (PAL) matapos mahuling nagpuslit ng iba’t ibang uri ng prutas at gulay mula sa Riyadh at Dubai.
Kahapon, January 14 nang harangin ng mga otoridad ang flight attendants dahil sa mga nadiskubreng sibuyas, lemon, strawberries, at blueberries sa kanilang mga bagahe,
Ayon sa Bureau of Plant and Industry (BPI), bigong magpakita ang mga crew ng import permit at phytosanitary permit na kailangan sa pagpasok ng produktong pang-agrikultura sa bansa.
Nabatid na sinubukan umano ng mga flight attendants na sirain ang mga nasabing agri-products nang malaman na kukumpiskahin ito.
Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon na isinasagawa ng PAL kaugnay sa naturang insidente.