Iminungkahi ng isang ekonomista sa taumbayan na gamiting maigi ang resources ng bansa upang matugunan ang inflation o tumataas na presyo ng mga bilihin.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni economist Astro Del Castillo na dapat ding suriin ng taumbayan ang mga gastos nito sa araw-araw.
Binigyang-diin naman ni Castillo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga oportunidad na makatutulong sa mga Pilipino kaugnay sa negosyo.