Maaga pa para malaman ang resulta mula sa pag-uusap nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at pinuno ng Tsina na si Xi Jinping kaugnay sa hindi pagkakaunawaan sa teritoryo ng South China Sea.
Ayon kay professor Jay Batongbacal, isang maritme law expert, dahil ito ang unang pagpupulong ng dalawang pinuno, masyado pang maaga para magkaroon ng desisyon o malaking pagbabago lalo na sa parte ng China.
Aniya, nagtakda na rin si Xi Jinping ng long-term plan kaya’t mahirap para rito na mag-adjust.
Noong Martes, January 3, lumipad patungong China si Pangulong Marcos para sa tatlong araw na state visit nito upang palakasin ang ugnayan sa naturang bansa.