Nagbabala sa mga residente ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology kaugnay sa patuloy na degassing activity ng bulkang Taal.
Ayon sa PHILVOCS , patuloy na nagbubuga ng sulfur dioxide ang Taal volcano na nagdulot ng makapal na steam-rich plumes makaraang umabot sa halos 6,000 kilometro ang taas na ibinubugang gas nito.
Dahil dito, nagkaroon ng Volcanic Smog sa paligid ng bulkang Taal na siyang bumubuo ng mga pinong droplet na naglalaman ng volcanic gas na maaring magdulot ng pangangati sa mata, lalamunan, at respiratory tract sakaling bumagsak ito sa katawan ng tao.
Nagpaalala ang PHILVOCS lalo na sa mga residenteng nakatira malapit sa Taal volcano na mas mainam kung manatili nalang sa loob ng bahay, isara ang mga pinto at binatan ng bahay upang hindi pumasok ang makakapal na abo mula sa Taal main crater at gumamit na makapal na panaklob at N95 mask sakaling lalabas ng bahay.
Sinabi ng PHILVOCS na madalas tinatamaan ng vog yung mga may kondisyong pangkalusugan tulad ng hika, sakit sa baga at sakit sa puso, mga matatanda, mga buntis na kababaihan at mga bata.
Maaari namang uminom ng maraming tubig ang mga tinamaan ng volcanic gas upang mabawasan ang anumang pangangati o paninikip ng lalamunan