Nilinaw ng Department of Foreign Affairs na walang kinalaman ang ipinatupad na entry ban ng Kuwaiti government sa nangyaring aksidente sa labinlimang Pilipino bikers sa nasabing bansa.
Matatandaang nabangga ng isang SUV ang mga Pilipinong siklista kung saan, sinagot ng gobyerno sa Kuwait, ang mga gastusin sa ospital ng mga sugatang biktima.
Ayon kay Foreign Affairs at Migrant Workers Affairs USec. Eduardo de Vega, walang matibay na ebidensya at hindi dapat iniuugnay ang kasalukuyang isyu ng kuwaiti government, sa pagtigil sa pag-iisyu ng panibagong visa sa mga new entry at working visa.
Hindi rin ikinukunsiderang hate crimes ang nangyari sa mga Pinoy bikers dahil kultura na ng Kuwaiti citizens na hindi magustuhan ang mga cyclist o bikers sa kalsada kung saan, marami nang ganitong uri ng insidente sa mga biker kahit hindi mga Pilipino.
Sa kabila nito, tiniyak ni USec. de Vega, ang mga ayudang matatanggap mula sa OWWA at DMW ng mga naaksidenteng OFW.