Mayorya ng mga filipino o 69% ang nagsabing nahihirapan silang maghanap ng trabaho ngayong panahon.
Batay ito sa Social Weather Stations (SWS) survey noong unang quarter ng taon.
Sa naturang survey, 11 % ang nagsabing madali ang paghahanap ng trabaho ngayon habang 16 percent ang alanganin at 4 %ang walang reaksyon.
Ipinunto rin ng SWS Sa survey results na mahirap na ang paghahanap ng trabaho simula pa noong 2011.
Samantala, 50% naman ang naniniwalang mas marami pang trabahong magiging available sa susunod na isang taon.