Sang-ayon si Senator Robin Padilla sa naging pahayag ni senator Ronald “Bato” Dela Rosa, Chairman ng Senate Public Order and Dangerous Drugs Committee na bitayin ang mga pulis at sundalong masasangkot sa krimen at iligal na droga.
Matatandaang sa naging pahayag ni Sen. Dela Rosa sa DWIZ, kaniyang idiin na hindi dapat kaawaan ang mga nasasangkot na pulis dahil sinisira nito ang pangalan ng kagawaran at tiwala ng taumbayan.
Sa naging panawagan naman ni Sen. Padilla, dapat patawan ng death penalty ang mga security personnel na masasangkot sa krimen sa bansa.
Ayon sa senador, hindi gaya ng mga teroristang grupo, ang mga pulis at sundalo ay dumaan sa tamang orientation, at tamang ideology o doktrina.
Iginiit pa ni Sen. Padilla, na mayroong sinumpaang tungkulin ang mga alagad ng batas kung saan, nangako silang ipagtatanggol ang taumbayan at bansa.