Nakatakdang maglabas ng El niño advisory ang Philippine Atmospheric, Geophysical And Astronomical Services Administration, sakaling marating ng klima ang “Full Blown” na kondisyon nito.
Ayon kay PAGASA Officer-in-Charge Dr. Esperanza Cayanan, nasa ilalim ng El niño alert ang ahensya, dahil sa inaasahang pagtama ng El niño sa bansa ngayong taon.
Sinabi ni OIC Cayanan, na mararamdaman ang epekto ng El niño kapag hindi na normal ang pag-ulan at posibleng tumaas ang kundisyon nito sa huling quarter ng 2023 at unang quarter ng taong 2024.
Iginiit ng PAGASA na posibleng makaranas ng matinding tag-tuyot ang ilang bahagi ng bansa, habang inaasahan naman ang above normal na pag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa.
Samantala, nagpaalala naman sa publiko ang PAGASA Weather Bureau, na panatilihing maging alerto at maghanda sa posibleng epekto ng El niño.