Muling nagkasundo ang Pilipinas at Singapore na patatagin ang relasyon sa kalakalan at pamumuhunan.
Ito’y matapos ang bilateral meeting sa Malacañang nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Ambassador-Designate to the Philippines of Singapore Constance See Sin Yuan.
Ayon kay Pangulong Marcos, mayroon nang malalim na kasaysayan ang Pilipinas at Singapore sa ibat-ibang larangan ng mutual interest na may layuning maipagpatuloy ang kaunlaran sa nakalipas na 5 dekada.
Binigyang diin ng Pangulo na matatag ang ugnayan ng dalawang bansa kung saan, nananatili ang Singapore bilang isa sa pinakamahalagang kasosyo sa kalakalan at pamumuhunan ng Pilipinas.
Naitatag noong 1969 ang active bilateral ties ng dalawang bansa na may layuning paigtingin ang sektor ng edukasyon, magkaroon ng palitan ng kultura, at masiguro ang depensa at seguridad laban sa terorismo at national crimes.