Pinatitiyak sa Philippine National Police ni Deputy Speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar, ang mahigpit na pagpapatupad sa paggamit ng mga body camera at dashcams sa operasyon ng mga police personnel.
Ito’y upang matukoy at mapanagot sa batas ang mga pulis na lalabag sa gitna ng kanilang operasyon at masiguro ang transparency maging ang accountability ng bansa.
Kasunod narin ito ng pagkakasangkot ng ilang matataas na police official sa nakumpiskang P6.7-B na halaga ng iligal na droga sa Tondo, Maynila noong nakaraang taon.
Sa inihaing House Bill no. 8352 ni Congresswoman Villar, ang mga maire-record na footage mula sa mga body cameras at police dashcams ay magagamit bilang ebidensya sa mga operasyon ng pambansang pulisya.
Binigyang diin pa ng mambabatas na isa ito sa mga paraan upang magkaroon ng pananagutan ang mga otoridad sa kanilang mga aksyon kabilang na ang pang-aabuso o pamumwersa sa taumbayan.