Naniniwala si Senate President Chiz Escudero na pagkakalooban ng pardon o’ clemency ni pangulong Bongbong Marcos Jr. si Mary Jane Veloso kapag nailipat na ito sa kostudiya ng bansa.
Pero ayon kay SP Escudero, dadaan ito sa kaukulang proseso, kung saan may dadaanan itong legal at diplomatikong proseso.
Dapat anyang magbigay ng courtesy sa pamahalaan ng Indonesia bago ang pagkakaloob ng clemency kay Veloso.
Ang mahalaga ayon kay SP Escudero, ligtas na sa parusang kamatayan si Veloso at may mga proseso ng ginagawa para ganap na itong maging malaya.
Sa nakatakdang pag-uwi sa bansa ni Veloso, sinasabing nasa kamay na ng pangulo ang ganap nitong paglaya sa pamamagitan ng pagkakaloob ng clemency pero dapat na may permiso o pag-apruba ng pamahalan ng Indonesia.