Ibabalik sa pwesto ni House Speaker Lord Allan Velasco ang mga kongresistang miyembro ng Nationalist People’s Coalition (NPC) na inalis sa posisyon dahil sa pagpapalit ng liderato sa kamara.
Ito ang tiniyak ni Velasco kay Senate President Vicente Sotto III na siya ring Chairman ng NPC.
Aniya sa ilalim ng Velasco leadership, ang 12 mula sa 42 miyembro ng NPC ay mananatiling Committee Chairmen.
Habang ang iba naman ay magiging bahagi ng Commission on Appointments, uupo sa House of Representative Electoral Tribunal, 7 naman ang uupo bilang Vice Chairman ng Committee on Appropriations.
Mananatili namang Deputy Speakers sina Antique Representative Loren Legarda at Sorsogon Representative Evelina Escudero.