Makaraang i-cite for contempt ng Senate Blue Ribbon Committee kahapon ay nag-isyu na ng warrant of arrest ang Senado laban kay dating Bureau of Customs o BOC Commissioner Nicanor Faeldon.
Ito’y matapos ang ilang beses na hindi pagdalo ni Faeldon sa pagdinig kaugnay sa P6.4 bilyong pisong halaga ng shabu shipment na nakalusot sa BOC sa kabila ng inisyung subpoena dito.
Ipinabatid ni Senate Sergeant at Arms Retired General Jose Balajadia na kagabi pa ibinaba sa kanila ang nasabing arrest warrant na pirmado ni Senate President Koko Pimentel.
Oras na maaresto ay mananatili sa kustodiya ng Senado si Faeldon hangga’t hindi dumadalo sa pagdinig.
10 AM UPDATE:
Gayunman, ipinabatid ni Senator Richard Gordon na hindi na isisilbi ang warrant of arrest ngayong araw laban kay Faeldon dahil nangako ang kampo nitong dadalo na sa susunod na pagdinig ng Senado sa Lunes, September 11, 2017.
Ayon kay Gordon, sakaling hindi pa humarap sa Lunes si Faeldon ay doon na siya ipapaaresto.
AR/ DWIZ 882