Puspusan na ang paghahanda ng National Grid Corporation of the Philippines sa posibleng maging epekto sa power supply ng inaasahang pagpasok ng tag-init ngayong taon.
Ito ang tiniyak ni NGCP Spokesperson Cynthia Alabanza kasabay ng anunsyong mayroong 10,260 megawatts na available transmission capacity na malaking bahagi ay inilaan sa Luzon.
Gayunman, aminado si Alabanza na pinaghahandaan nila ang mga posibilidad ng pagnipis muli ng supply sa mga susunod na buwan.
Hindi anya imposibleng makaranas pa rin ng red at yellow alerts ngayong taon depende sa magiging power supply situation na kanila namang tinatalakay ng Department of Energy.
Nito lamang unang linggo ng marso, isinailalim sa yellow alert status ang Luzon grid na unang beses ngayong taon.