Humihiling ng fuel subsidies mula sa gobyerno ang ilang transport group kasabay ng kanilang paghihintay sa desisyon sa nagpapatuloy na fare hike petitions sa gitna ng walang prenong oil price hike.
Ayon kay Samahan ng mga Tsuper at Operators sa Pilipinas Convenor Danilo Yumul, dapat regular na ibigay ang subsidiya sa mga tsuper, gaya nang ginagawa sa ibang programa ng gobyerno.
Partikular na tinukoy ni Yumul ang 4Ps, senior citizen at TUPAD Program na buwanang nakatatanggap ng pondo.
Sila anyang mga tsuper ay nagtataas lamang ng pasahe tuwing nagmamahal ang krudo kaya’t dapat ipagpatuloy ang fuel subsidies para maging consistent kahit magkano man ang itaas ng presyo ng langis.
Bukas muling ilalarga ng mga kumpanya ng langis ang ikatlong sunod na linggong price hike.