Ganap nang Filipino citizen si barangay Ginebra Import Justin Brownlee matapos itong manumpa ng katapatan sa Republika ng Pilipinas kay Senador Francis Tolentino sa isang special ceremony sa senado, kahapon.
Pinasalamatan ni Brownlee ang lahat ng sumuporta sa kanyang tinahak na landas patungo sa pagiging ganap na Pinoy sa pangunguna nina Tolentino at Senador Sonny Angara na naghain ng panukala para sa kanyang citizenship.
Aminado ang Gin Kings forward na hindi siya makapaniwala sa kanyang pinagdaanan matapos tumanggap ng malawak at malakas na suporta mula sa mamamayang Pilipino, partikular sa ilang mambabatas.
Tiniyak ni Justin na kanyang gagawin ang lahat ng kanyang makakaya upang maipagmalaki ng bawat Pinoy at tutulong upang magtagumpay ang national basketball team.
Ini-abot naman ni Tolentino kay Bronwlee ang kopya ng RA 11937 kasama si senators Bong Go at JV Ejercito.
Inaasahang makakasama na si Brownlee sa koponan ng Gilas Pilipinas at makatutulong upang ma-qualify sa FIBA World Cup at Southeast Asian Games ngayong taon.