Nagsama-sama ang mga lider ng iba’t ibang political party sa kamara upang ihayag ang kanilang suporta sa peace initiative ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior.
Ayon kay House Secretary General Reginald “Reggie” Velasco, ang mga ginagawa ni Pangulong Marcos ay isang makasaysayan at malaking hakbang upang maabot ang inaasam na kapayapaan at pag-unlad ng bansa.
Kabilang anya sa mga nagpahayag ng suporta sa peace initiative ng pangulo sina Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales; Majority Leader at Zamboanga City Rep. Mannix Dalipe at Agusan del Norte Rep. Jose “Joboy” Aquino II ng Lakas- CMD;
Pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang paghahain ng House Concurrent Resolution Numbers 19, 20, 21, at 22, na nagpapahayag ng pagsang-ayon sa inilabas na amnesty proclamation ni PBBM.
Saklaw ng proklamasyon ang mga miyembro ng Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas; CPP-NPA-NDF, MILF. at MNLF.
Nais naman ng leader ng kamara na mapagtibay nilang mga mambabatas ang mga resolusyon bago ang Christmas break ng kongreso.